Isa ako sa mga batang hindi biniyayaan ng
napakarangyang buhay. Hindi ako mapagmaktol sapagkat alam ko na kahit
ako ay lumuha ng dugo ay walang pambili ng "Jollibee chickenjoy" o kahit
na meron pang "Jollibee Leeg ng manok". Wala! Wala! kaya natuto akong
manahimik at makuntentong mabusog sa mga bagay na meron ako. Doon ko
natutunang mas masarap pala ang magbasa ng libro at matuto kesa ang mag-asam ng mga bagay na wala ako.
Natuto akong mamuhay ng payak at ang tanging naging bisyo lamang ay ang manood ng Dragon Ball at makipaglaro sa mga aso kong mas cute pa kesa sa akin. Dahil sa mga bagay na iyon, nagsimula akong mangarap. Nangarap ako na balang araw ay makakapagtapos din ako ng pag-aaral at makakatulong sa balo kong ina na ang tagal na rin yatang panahon na nagdurusa sa kaiiyak kung paano kami itataguyod na mag-isa. Sabi ko sa sarili ko, balang araw makakapasok din ako sa "Jollibee" at bibili din ako ng Chickenjoy!!!!, hindi lang one piece kundi 2 pieces at may extra pang gravy.
Isa itong komedya para sa makakabasa, ngunit ano ba ang simbolismo nito? PAG-ASA, hindi ung tagasabi kung may "yellow warning na ng baha" kundi yung bagay na nadarama. Pag-asang ang edukasyon ay magiging tulay upang makamit ko ang aking mga pangarap.
Ngunit paano kung ang edukasyon at ang libro ay nagmahal na? Yung tipong kahit na mga pampublikong paaralan ay hindi na kayang sumuporta sa mga batang anak ng mga uring kumikita lamang ng sapat o mas mahirap pa. Paano na?
Masuwerte ako dahil sa sakripisyo ng aking kapatid at tulong ng aking mga butihing mga Tiyuhin, nairaos ang aking pag-aaral. Ngunit, kung iisipin ko ngayon....paano kaya kung nag-aaral pa rin ako ngayon? mapagbibigyan pa rin ba ang hiling na magkaroon ng libro at makatikim ng Chickenjoy?

No comments:
Post a Comment