credits to google for the image |
Sa buhay na puno ng panganib at walang
hanggang pakikibaka, sino nga ba ang tatayo at magsisilbing panangga sa
mga banta? Sila ang mga sinasabing tagapagligtas at nangungunang
sumasabak sa lahat ng ating mga kalaban. Sumumpang kailanman ay hindi
tatalikod sa lahat ng pangako at hindi ipagpapalit ang pag-ibig sa ating
bansa. Isang malaking sakripisyo ang
malayo sa kanilang butihing mga maybahay at lumalaking mga anak. Ngunit,
para sa kanila, ang lahat ng ito ay hindi sakripisyo kundi isang
responsibilidad at tungkulin na tinanggap mula pa noong araw na naging
bahagi sila ng puwersa ng kasundaluhan. Ano ang mas sasakit pa sa
naghuhumiyaw na katotohan na ang yakap ngayon sa iyong mga mahal sa
buhay ay maaaring huli na at ang gulo ay kakambal na ng iyong sistema.
Ngunit sa isa pang banda? Ano ang mas sasakit pa sa katotohanang kapwa mo Pilipino ang iyong kalaban. Sa mga bundok ng kung saan, ang tinutugis mo ay ang iyong kapwa.. “kayo kayo, nagtutugisan at hindi nagkakaunawaan”. Ang tanging alam ko lang, kung sino man ang tama, kung mali ba talaga sila, ang ating kapayapan ay tinatamasa dahil sa iyong digma.
Sana man lamang ay mabigyan sila ng karampatang suporta upang maipagpatuloy nila ang pagtatanggol sa ating bayan. Hindi yung may pagkakataong ang kanilang mga bala ay kulang na at ang kanilang mga bota at unipome ay gula-gulanit na. O ‘di kaya, matulungang mbawasan ang mga ganitong uri ng laban kung maayos lamang ang kalagayan ng bansa at sapat ang lahat ng pangangailangan upang wala ng kailangang tumaliwas sa utos ng batas. Imposible ang “Utopia” alam ko, pero sana ang importansya ng kanilang paghihirap ang manaig at ang kabuluhan ng kanilang serbisyo ang magwagi. Ito ay isang pagsaludo sa ating mga sundalong Pilipino… at nawa’y pagkamulat ng bawat isa sa tunay na digma ng ating bansa.

No comments:
Post a Comment