Sunday, March 3, 2013

Pinakamahirap Na Trabaho: TAMBAY



“Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi

Paamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom ay lilipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay”

---ESEM by Yano---

Alam niyo ba na ang pinakamahirap na trabaho ay yung wala kang trabaho? Gagala ka tapos wala kang pambili ng kahit na candy. Nagugutom ka pero wala kang pambili ng kahit na anong makakain. Kapag umuwi ka sa bahay eh bubungangaan ka pa ng misis mong naka rollers habang nag-iiyakan ang mga anak mo. Kung wala ka namang asawa, eh “gudlak” sa sermon na aabutin mo mula sa iyong ina. Mahirap ang lahat ng propesyon, ngunit wala ng mas hihirap pa sa mga nasabi kong mga bagay. Yung eksenang parang wala ka ng patutunguhan. Walang pagkakataong dumarating, at walang direksyon na pupuntahan. Ang araw-araw para sa iyo ay isang malaking palaisipan at parang isang malaking tanong na hindi mo alam ang kasagutan.

Napakahirap kayang magpalaboy-laboy at umasa na bukas ay magkakaroon din ng pagkakataon para sa iyo. Mabuti nga kung umaasa pa, paano kung nakuntento na lang na ang buhay ay sadyang ganyan? “wala eh, ganyan talaga ang buhay! Pre tagay pa!!!”

Pero sino nga ba ang dapat sisihin? Yung mismong tao dahil batugan siya? O ang kakulangan ng trabaho na aangkop sa mga kapasidad ng mga bawat isa? Minsan may trabaho nga, pero pagkatapos ng anim na buwan ay mawawala din sapagkat tapos na ang kontrata. Diyan natin masasabi na ang estadong pananalapi ng isang bansa ay naaayon din sa estadong pananalapi ng bawat indibidwal. Hindi ito simpleng “isyu” ng katamaran, sapagkat kung mabibigyan ng pagkakataon kahit “high school” graduate ka ay tiyak na makakahanap ka ng mapagkakakitaan.  Ikaw? May trabaho ka ba? Kung meron, subukan mong pahalagahan (at kinakausap ko rin ang sarili ko dito) sapagkat marami sa panahon natin ngayon ang walang hanapbuhay at umaasang balang araw matutugunan.


2 comments:

  1. kahit tambay may facebook .. tambay ng internet cafe bakit hindi gamitin ang internet para kumita pls visit this site http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. Unemployed pinoys is a home-based online job, a good source to earn money while being in comfort at your own time at home. For more info kindly visit: http://www.unemployedpinoys.com

    ReplyDelete