Sunday, March 3, 2013

Madaling-Araw


Malamig at parang may kakaiba sa hangin, tulog na ang lahat ngunit parang balisa siyang naghihintay sa umaga. Isa lamang itong normal na madaling-araw ngunit bakit parang may kakaiba sa kanyang pakiramdam. Katatayo lamang ng bahay noon at hindi pa talaga tapos. May mga bukas  pa na bintana na pinagmumulan ng paghampas ng hangin.  Tumayo siya sa higaan at iniwanan ang nakaakap na anak, na noon ay himbing na himbing pa sa pagkakatulog. Sa kanyang paglabas ay dumiretso siya sa binatana at nagmasid lamang sa katahimikan ng labas. Wari mong ang hangin ay may ibinubulong at may gustong ipahiwatig sa kung ano ang magaganap sa mga susunod na araw.

“Mama, bakit ka nandiyan?”, sumunod pala si bunso.

“wala nakkong, bumalik ka na sa kama at matutulog na tayo” ‘ani ng kanyang ina.

Sa kanyang pagbalik sa kama ay nakaidlip rin siya kahit paano, kahit na ang pagkabalisa ay nandiyan pa rin sa kanyang sistema.

Ilang araw ang nakalipas at nagpatuloy ang kanyang buhay kasama ng kanyang mga anak.  May isang lalakeng kumatok at tinawag ang kanyang pangalan.

“Kayo po ba si Ginang Mendez?, mayroon pong telegrama para sa inyo”, sabay ang abot ng sulat sa kanyang palad.

“Ako nga po iyon”, at kanyang binasa ang sulat.

Sa kanyang pagbabasa ay unti-unting dumidiin ang mensahe sa kanyang isip at puso. Parang isang punyal na unti-unting pumapatay sa saya na minsan ay kanyang nadama. Hindi niya namamalayan na ang luha ay nagingilid na sa kanyang mga mata. Matapos noon ay kanyang hinagkan ang kanyang mga anak, dalawang mga anak na pagkukunan ng tatag sa unos na kinasadlakan ng pamilya nila.

Nakasaad sa sulat na ang kanyang asawa ay namatay habang ginagawa ang kanyang tungkulin bilang isang “seaman”. Na kailangan niyang pumunta sa opisina at asikasuhin ang mga bagay na iniwan ng kanyang asawa.  Higit sa lahat ay kailangan niyang asikasuhin ang pag-uwi ng labi ng kanyang kabiyak sa Pilipinas.

Noong madaling-araw na hindi siya makatulog, ay kasalukuyang nagaganap ang trahedyang kinamatay ng kanyang asawa. Na ang bawat hampas ng hangin ay may karampatang hampas ng alon sa katawan ng kanyang pinakamamahal sa ibang bansa. Na ang lamig ng hangin ay marahil dulot ng pagdalaw ng isang kaluluwa na ang hiling ay masilayang muli ang kanyang pamilya at mahagkan ang kanyang mga anak at asawa sa kahuli-hulihang pagkakataon bago siya tuluyang mawala..

…at ang madaling-araw na iyon ay simula ng isang buhay na kabaligtaran ng “madali” at magiging sobrang “mahirap”.


---hango sa tunay na buhay,---


Pinakamahirap Na Trabaho: TAMBAY



“Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang yosi

Paamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom ay lilipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay”

---ESEM by Yano---

Alam niyo ba na ang pinakamahirap na trabaho ay yung wala kang trabaho? Gagala ka tapos wala kang pambili ng kahit na candy. Nagugutom ka pero wala kang pambili ng kahit na anong makakain. Kapag umuwi ka sa bahay eh bubungangaan ka pa ng misis mong naka rollers habang nag-iiyakan ang mga anak mo. Kung wala ka namang asawa, eh “gudlak” sa sermon na aabutin mo mula sa iyong ina. Mahirap ang lahat ng propesyon, ngunit wala ng mas hihirap pa sa mga nasabi kong mga bagay. Yung eksenang parang wala ka ng patutunguhan. Walang pagkakataong dumarating, at walang direksyon na pupuntahan. Ang araw-araw para sa iyo ay isang malaking palaisipan at parang isang malaking tanong na hindi mo alam ang kasagutan.

Napakahirap kayang magpalaboy-laboy at umasa na bukas ay magkakaroon din ng pagkakataon para sa iyo. Mabuti nga kung umaasa pa, paano kung nakuntento na lang na ang buhay ay sadyang ganyan? “wala eh, ganyan talaga ang buhay! Pre tagay pa!!!”

Pero sino nga ba ang dapat sisihin? Yung mismong tao dahil batugan siya? O ang kakulangan ng trabaho na aangkop sa mga kapasidad ng mga bawat isa? Minsan may trabaho nga, pero pagkatapos ng anim na buwan ay mawawala din sapagkat tapos na ang kontrata. Diyan natin masasabi na ang estadong pananalapi ng isang bansa ay naaayon din sa estadong pananalapi ng bawat indibidwal. Hindi ito simpleng “isyu” ng katamaran, sapagkat kung mabibigyan ng pagkakataon kahit “high school” graduate ka ay tiyak na makakahanap ka ng mapagkakakitaan.  Ikaw? May trabaho ka ba? Kung meron, subukan mong pahalagahan (at kinakausap ko rin ang sarili ko dito) sapagkat marami sa panahon natin ngayon ang walang hanapbuhay at umaasang balang araw matutugunan.


"The Light"


Today, i opt to be happy...tomorrow i opt to be happier and on the succeeding days i opt to Live. 

All i need to do is to clear my mind and heart with doubts, fear, worries, anger or any unnecessary feelings that will add up to the baggage of stress. 

Just like what the doc said, "the fact that you came here and accept what's happening to you? it only means that you are a strong-willed person". 

No man has reached his greatness without encountering any failures and uncertainties at all. 

Even Einstein got a hopeless remarks on his entrance exam in College but ended up as the one who developed the theory of relativity. 

Let me use what he said, "We can’t solve problems by using the same kind of thinking we used when we created them.” 

However, there is a great light that can back-up the failure and the moving-ons. 

It's our relationship with God that needs to be regained and hold unto.


---MAUSKIE---

"Don't vote wisely, Vote differently"

Intelligent people are always aiming for the unconventional solutions and which are not being accepted by the norms and usually are not being listened to. I am not getting any good impressions with candidates who are throwing sh** to other candidates, prioritizing unnecessary bills and principles. Not because it's not right but because of the context of those which I find so senseless. Where's your economic platforms? If I ask you about contractualization, free trade globalization and privatization, would you know how to stand your ground?

Is it another day of making a speech in front of the "common tao" telling them of your education, health, agriculture, unemployment, and whatsoever reforms that would make them say "ok". Afterwards they will be there clapping and waiting for anything that would get them through to live another forsaken day. Giving them something that would satisfy the idea of an unconscious society bullying sugar coated with hope. Having those people in power right now has been caused by ignorance planted in the mind of the nation. Making them believe that the dynasty and oligarchy is the backbone of the society.

Then the question now is "who should i vote for?" well i should say "don't vote wisely, vote differently". Those people who are targeting the root causes of issues such as drugs, health problems, lack of jobs, education gaps, over population etc..etc. Those are just bits and pieces of the main problems. Those are just the effects and not the reasons. Everything is a process and without solving the challenges of the first stage and the main reason, you won't resolve anything at all.

"Sa Iyong Digma"

credits to google for
the image
Sa buhay na puno ng panganib at walang hanggang pakikibaka, sino nga ba ang tatayo at magsisilbing panangga sa mga banta? Sila ang mga sinasabing tagapagligtas at nangungunang sumasabak sa lahat ng ating mga kalaban. Sumumpang kailanman ay hindi tatalikod sa lahat ng pangako at hindi ipagpapalit ang pag-ibig sa ating bansa. Isang malaking sakripisyo ang malayo sa kanilang butihing mga maybahay at lumalaking mga anak. Ngunit, para sa kanila, ang lahat ng ito ay hindi sakripisyo kundi isang responsibilidad at tungkulin na tinanggap mula pa noong araw na naging bahagi sila ng puwersa ng kasundaluhan. Ano ang mas sasakit pa sa naghuhumiyaw na katotohan na ang yakap ngayon sa iyong mga mahal sa buhay ay maaaring huli na at ang gulo ay kakambal na ng iyong sistema.

Ngunit sa isa pang banda? Ano ang mas sasakit pa sa katotohanang kapwa mo Pilipino ang iyong kalaban. Sa mga bundok ng kung saan, ang tinutugis mo ay ang iyong kapwa.. “kayo kayo, nagtutugisan at hindi nagkakaunawaan”. Ang tanging alam ko lang, kung sino man ang tama, kung mali ba talaga sila, ang ating kapayapan ay tinatamasa dahil sa iyong digma.

Sana man lamang ay mabigyan sila ng karampatang suporta upang maipagpatuloy nila ang pagtatanggol sa ating bayan. Hindi yung may pagkakataong ang kanilang mga bala ay kulang na at ang kanilang mga bota at unipome ay gula-gulanit na. O ‘di kaya, matulungang mbawasan ang mga ganitong uri ng laban kung maayos lamang ang kalagayan ng bansa at sapat ang lahat ng pangangailangan upang wala ng kailangang tumaliwas sa utos ng batas. Imposible ang “Utopia” alam ko, pero sana ang importansya ng kanilang paghihirap ang manaig at ang kabuluhan ng kanilang serbisyo ang magwagi. Ito ay isang pagsaludo sa ating mga sundalong Pilipino… at nawa’y pagkamulat ng bawat isa sa tunay na digma ng ating bansa.



"Ang Libro at Jollibee"

Isa ako sa mga batang hindi biniyayaan ng napakarangyang buhay. Hindi ako mapagmaktol sapagkat alam ko na kahit ako ay lumuha ng dugo ay walang pambili ng "Jollibee chickenjoy" o kahit na meron pang "Jollibee Leeg ng manok". Wala! Wala! kaya natuto akong manahimik at makuntentong mabusog sa mga bagay na meron ako. Doon ko natutunang mas masarap pala ang magbasa ng libro at matuto kesa ang mag-asam ng mga bagay na wala ako.

Natuto akong mamuhay ng payak at ang tanging naging bisyo lamang ay ang manood ng Dragon Ball at makipaglaro sa mga aso kong mas cute pa kesa sa akin. Dahil sa mga bagay na iyon, nagsimula akong mangarap. Nangarap ako na balang araw ay makakapagtapos din ako ng pag-aaral at makakatulong sa balo kong ina na ang tagal na rin yatang panahon na nagdurusa sa kaiiyak kung paano kami itataguyod na mag-isa. Sabi ko sa sarili ko, balang araw makakapasok din ako sa "Jollibee" at bibili din ako ng Chickenjoy!!!!, hindi lang one piece kundi 2 pieces at may extra pang gravy.

Isa itong komedya para sa makakabasa, ngunit ano ba ang simbolismo nito? PAG-ASA, hindi ung tagasabi kung may "yellow warning na ng baha" kundi yung bagay na nadarama. Pag-asang ang edukasyon ay magiging tulay upang makamit ko ang aking mga pangarap.

Ngunit paano kung ang edukasyon at ang libro ay nagmahal na? Yung tipong kahit na mga pampublikong paaralan ay hindi na kayang sumuporta sa mga batang anak ng mga uring kumikita lamang ng sapat o mas mahirap pa. Paano na?

Masuwerte ako dahil sa sakripisyo ng aking kapatid at tulong ng aking mga butihing mga Tiyuhin, nairaos ang aking pag-aaral. Ngunit, kung iisipin ko ngayon....paano kaya kung nag-aaral pa rin ako ngayon? mapagbibigyan pa rin ba ang hiling na magkaroon ng libro at makatikim ng Chickenjoy?